Sunday, 18 December 2016

Paseo Perdices


Paseo de Perdices, mas kilalang Paseo Perdices ay nakatayo malapit sa Rizal Boulevard ng
Dumaguete City ng Negros Oriental. Ang Paseo Perdices ay isa sa mga matatanyag at magagandang establishemento sa Dumaguete City, dahil ito ay may magagandang tanawin ng Rizal Boulevard at ng TaƱon Strait. Ang Paseo Perdices rin ay isa sa mga establishemento sa Dumaguete na maraming bumibisita.

Bakit ba maraming bumibisita sa Paseo Perdices?
Dahil ang Paseo Perdices ay may magandang desinyo sa labas at loob rin nito. Andami kayang kumukuha ng kanilang mga litrato dito sa Paseo Perdices isa na ako non. Sa Paseo Perdices rin matatagpuan ang Infinitea, Gabby's Bistro, Yellow Cab at isa ring lugar na para magpa-masahe. Kaya andaming pumupunta dito sa Paseo Perdices.







Pagkain ba ang hanap mo?

Eh, sa Paseo Perdices may tatlo kang mapipilian ang Infinitea, Gabby's Bistro, at tsaka Yellow Cab. Sa Infinitea, ang kalimitan nilang inu-offer sa'yo ay tsaa o kaya drinks at pagkain rin na pwedeng ipares sa iyong napiling tsaa. And ganda kaya ng ‘atmosphere’ sa Infinitea, mula sa music na palagi ay bago at sa iisang araw ay hindi binabalik, at sa lighting na nagpapachill at nagpapa-good vibes sa araw mo. Gabby's Bistro, dito matitikman mo ang iba't-ibang lutuing dayuhan mula sa Amerkino hanggang sa French. Ang disenyo sa loob ng Gabby's Bistro ay mala-Mexicano kung baga, ay parang  Latin restaurant yung pinapasukan mo. Yellow Cab, kalimitan nilang inoffer sa kanilang tindahan ay mga Pizza, marami kang mapipilian na mga klase-klaseng pizza dito, mula sa Hawaiian hanggang sa Meat Lovers Pizza. Lahat ng mga nasabi ko ay totoo, kaya pumunta o bumisita na kayo sa Paseo Perdices.